Only logged in members can reply and interact with the post.
Join SimilarWorlds for FREE ยป

I Have Random Thoughts

Bakit kaya hindi pwede mapasaatin ang mga bagay na gusto natin? Lalo na yung, pinaka gusto natin.

Paminsan naglalakad ako at nagbabasa at nakakatuwang isipin na ang ibang tao ay kumpleto na. Nasa kanila na ang hinahanap nila. Pero sa isang banda, nakakakita din ako ng mga katulad ko na parang nakalutang sa ere at yung iba, para silang dahon na naalis sa puno at nilipad ng hangin.

Napapaisip tuloy ako...

Ano kayang pakiramdam?

Yung wala ka nang iisipin sa malalim na gabi at nananalangin na sana iniisip o sumasanggi ka man lang sa isipan niya. Yung pag-gising mo ng umaga ay muka niya ang makikita mo.

Yung hindi ka na mag-iisip at matatakot na mawala siya. Yung hindi ka na nakaka-relate sa mga malulungkot at walang kabuluhang tugtugan sa radyo.

Ano kaya ang pakiramdam noon?

Yung may hahalik sayo tapos ang bilis ng tibok ng puso mo. Yung may hahawak sa kamay mo tuwang tuwa ka. Yung kahit makita kayo ng buong mundo, masaya kayo.

Chat Conversation End

 
Post Comment