Only logged in members can reply and interact with the post.
Join SimilarWorlds for FREE »

I Have Written Poetry About a Special Someone

Umasa sa Wala

Kay tamis ng mga salitang binitawan
Mga pagkakataong ang saya lang
Tawanan, kwentohan, kalungkotan..
Naaalala mo ba? Nong minsang tayo'y nagkausap
Gusto kitang yakapin ng mahigpit hanggang sa mawala ang sakit
Gusto kitang pasayahin sa bawat minuto dahil don lang ako humuhugot ng lakas para magpatuloy sa mundong inuubos ang aking lakas
At nong minsa'y tinanong mo ako kung sinong gusto ko
Gustong gusto kong sabihin sayo na IKAW, IKAW lang ang gusto ko
Ikaw lang at wala ng iba pang nag mamay-ari ng puso ko.
Ikaw na nagpapasaya, nag aalis ng aking mga pangamba
Na parang sa isang salita mo lang nawawala ang takot ko
Mga salitang namumutawi sa aking bibig ngunit hindi masabi sayo

Sa di inaaasahang pangyayari, sinabi mong may kinakausap kang iba at meron ng nabubuo sa pagitan nyong dalawa
Halos gumuho ang aking mundo, akala ko merong tayo eh
Merong tayo na ako lang pala ang may gusto
Umasa ako dahil akala ko may chemistry tayo..wala na palang "bio"
Kahit na hindi ako ang ideal mo, umasa ako na sa bandang huli magkikita tayo
Umasa ako sa mga pagkakataong okay tayo
Kaibigan lang pala ang turing mo na binigyan ko ng kahulogan kahit na walang sapat na katibayan
Pinipilit kong tanggapin na kahit masakit, na kahit ang sakit-sakit
Ang gusto ko lang ay maging masaya ka, kahit sa piling ng iba
Gusto kong maging maramot, ayaw kitang ibigay sa iba
Pero anong magagawa ko, hindi naman tayo
Walang IKAW at AKO
This page is a permanent link to the reply below and its nested replies. See all post replies »
Newandimproved · 61-69, M
I thunk your fingers were on the wrong keys...oh wait...never mind
rosec · 31-35, F
@Newandimproved it's a different language though.
Crazywaterspring · 61-69, M
@rosec Tagalog.
Newandimproved · 61-69, M
@rosec yeah, trying to he cute...missed :)
rosec · 31-35, F
@Newandimproved I don't know if you understood
Newandimproved · 61-69, M
@rosec ueah, I was trying to be funny, it didn't succeed.
rosec · 31-35, F